1. Bakit mhalaga ang retorika sa pang araw-araw ng buhay ng tao?
Bakit nga ba mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao?
Una, ang retorika o pagiging retor ay mahalaga dahil itoy pinag-iisipan. Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil sa araw-araw na tayo'y namumuhay ginagamit natin ang retorika sa pag-aargumento o pakikipagtalastasan. Mahalaga naman ang pakikipagtalastasan dahil ito ay ginagamit natin kahit saan tayo pumunta kagaya nalang sa palengke, upang tayo ay makatawad sa bilihin tayo ay nakikipag argumento o pakikipagtalastasan. Napakahalaga ng retorika dahil kung wala ito walang mabisang pakikipag-usap.
2. Ano ang kahalagahan ng retorika sa edukasyon, relihiyon at kursong pinili?
A. Edukasyon
Ang kahalagahan ng retorika sa edukasyon ay napaka importante. Dahil dito naihahatid ang mabisang pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral. Paanu nalang kung wala ang retorika? Kung wala ang retorika o ang retor kagaya ng guro, ang mga mag-aaral ay hindi nahihikayat na matuto at mag-aral. Kaya't pinag-aaralan ng mabuti ang kahalagahan ng retorika para sa mabisang pagtalastasan.
B. Relihiyon
Kahalagahan ng retorika sa relihiyon. Gamit ang retorika ay mabisang nag-uusap ang mga magkakaiba ang relihiyon o paniniwala. Gamit din ang retorika sa panghihikayat ng mga grupo o relihiyon upang maging kaisa ng kanilang paniniwala.
C. Kursong Pinili
Mahalaga ang retorika lalo na sa aking kursong pinili. Dahil sa kursong ito kaylangan ng mabisang pagtalastasan at pag-aargumento upang makahikayat ng mga taong nakikinig at dahil dito sa pagiging retor ay maihahatid natin ng maayos ang mga detalye at nahihikayat silang makinig lalo na sa pag-uulat.
oo, nga mahalaga ang retorika dahil dito natutu ang isang indibidwal na makipagtalasan gamit ang pangangatwiran, pagsasalay, paglalahad at paglalarawan lahat ng ito ay ginagamit hindi lang sa eduk., relihiyon. kursong pinili maging sa ating araw-araw na buhay.
ReplyDelete