Sunday, December 11, 2011

THE FAST SLIMMING VEGGIE


 
THE FAST SLIMMING VEGGIE
(TWO A’s)



            Ang brand name na nakasaad dito sa produkto  ay galing sa initial ng pangalan  ko at ng kapatid ko. Pareho kasi kaming nagsisimula sa letrang A kaya naiisip ko na siguro mas maganda na gamitin ko na ngayon dahil baka itong pangarap ko ay  maisakatuparan isang araw.
    
            Pipino sa simpling tagalog, cucumber sa kaalaman ng lahat na panghalo ng salad. Pero lingid sa kaalaman ng lahat ito ay mabisang pangpapayaat para sa mga taong gusting maging sexy. Ito ay makakatulong sa mabilis na pagtunaw ng taba. Para doon sa mga matataba na gusting pumayat, maghiwa lang ng pipino sa paraan na parang “French fries” at ito ang kakainin bago ka kumain ng kanin. Gawin ito araw-araw na parang merienda. At mapapansin mo ang resulta pagkatapos ng isang linggo. Hindi mo na kailangan pang mag-skip ng “meals”  para lang pumayat, kain ka lang ng pipino araw-araw. Di ka lang sexy healthy pa.

            Ito lang ang palaging tandaan na sa bawat paraan ay may epekto sa katawan kung sobra naman sa paggamit. Gaya na rin ng maraming paraan ng pagpapayat, di rin pwede na pipino nalang ang kakainin sa bawat araw dahil di magiging balance ang nutrients na mabibigay sa katawan. Dapat laging kompleto pa rin ang kakainin sa araw-araw para sa kalusigan ng katawan. Di pwede na puro tubig lang ang makukuha ng katawan sa kinakain. Kaya sa lahat ng gagawin para maging malusog at sexy, laging isipin ang tamang kalusugan,

            Para sa inyong lahat na gusting pumayat bago sasapit ang bagong taon, bili na kayo sa aking mga gulay na Pipino  dahil dito nyo lang makikita ang kasariwaan ng Pipino. Araw-araw ay bago ang Pipino na talagang tutugma sa inyong gusto, pangsalad man o pampapayat. Basta ang masasabi ko, totoo ito at talagang subok na, maski itanong nyo pa sa ate ko. Dati siya ay 65 kilos, pero dahil sa Pipino na kinakain nya araw-araw, siya ngayon ay 43 kilos nalang. Para sa mga beauty conscious hala bili para maisuot ang damit na mahigpit. Sa muli, bili na para Makita ang katotohanan sa mga sinasabi ko.

Monday, December 5, 2011

Retorika

1. Bakit mhalaga ang retorika sa pang araw-araw ng buhay ng tao?

Bakit nga ba mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao?
Una, ang retorika o pagiging retor ay mahalaga dahil itoy pinag-iisipan. Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil sa araw-araw na tayo'y namumuhay ginagamit natin ang retorika sa pag-aargumento o pakikipagtalastasan. Mahalaga naman ang pakikipagtalastasan dahil ito ay ginagamit natin kahit saan tayo pumunta kagaya nalang sa palengke, upang tayo ay makatawad sa bilihin tayo ay nakikipag argumento o pakikipagtalastasan. Napakahalaga ng retorika dahil kung wala ito walang mabisang pakikipag-usap.

2. Ano ang kahalagahan ng retorika sa edukasyon, relihiyon at kursong pinili?

A. Edukasyon
Ang kahalagahan ng retorika sa edukasyon ay napaka importante. Dahil dito naihahatid ang mabisang pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral. Paanu nalang kung wala ang retorika? Kung wala ang retorika o ang retor kagaya ng guro, ang mga mag-aaral ay hindi nahihikayat na matuto at mag-aral. Kaya't pinag-aaralan ng mabuti ang kahalagahan ng retorika para sa mabisang pagtalastasan.

B. Relihiyon
Kahalagahan ng retorika sa relihiyon. Gamit ang retorika ay mabisang nag-uusap ang mga magkakaiba ang relihiyon o paniniwala. Gamit din ang retorika sa panghihikayat ng mga grupo o relihiyon upang maging kaisa ng kanilang paniniwala.

C. Kursong Pinili
Mahalaga ang retorika lalo na sa aking kursong pinili. Dahil sa kursong ito kaylangan ng mabisang pagtalastasan at pag-aargumento upang makahikayat ng mga taong nakikinig at dahil dito sa pagiging retor ay maihahatid natin ng maayos ang mga detalye at nahihikayat silang makinig lalo na sa pag-uulat.